Monday, September 24, 2018

"Mahal ko, MGA MAGULANG KO"



                "MAHAL KO,MGA MAGULANG KO"



Nagpasalamat ako sa panginoon,
Dahil sa biyayang ibinigay ngayon.
Ating magulang, dapat nating mahalin
Ito ay pinakamahalagang gawin.

Sila'y nagsakripisyo para sa atin
Gumigising sila para tingnan tayo,
Masipag sa trabaho para sa atin,
Habang ang tatay mo'y hindi sumusuko.

Nagbago ang buhay mo nung lumaki ka
Umiyak ang nanay mo nung nagbago ka.
Hindi ka na nagpakita ng respeto
Inubos mo ang pawis ng magulang mo.

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos
Dahil sa ating pamilya na nagbantay.
Kaya mahalin natin sila ng lubos
Upang pamilya'y manatiling makulay.