Monday, September 24, 2018

"Mahal ko, MGA MAGULANG KO"



                "MAHAL KO,MGA MAGULANG KO"



Nagpasalamat ako sa panginoon,
Dahil sa biyayang ibinigay ngayon.
Ating magulang, dapat nating mahalin
Ito ay pinakamahalagang gawin.

Sila'y nagsakripisyo para sa atin
Gumigising sila para tingnan tayo,
Masipag sa trabaho para sa atin,
Habang ang tatay mo'y hindi sumusuko.

Nagbago ang buhay mo nung lumaki ka
Umiyak ang nanay mo nung nagbago ka.
Hindi ka na nagpakita ng respeto
Inubos mo ang pawis ng magulang mo.

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos
Dahil sa ating pamilya na nagbantay.
Kaya mahalin natin sila ng lubos
Upang pamilya'y manatiling makulay.

Friday, July 6, 2018

Mga Katha Sa Filipino





                            MGA KARUNUNGANG BAYAN

Kasabihan- Ang kasabihan ay pahayag na nagbibigay ng payo o nagsasaad ng    katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.

  Halimbawa:

1.) Ang taong masipag ay magkakaroon ng magandang kinabukasan.
    
       
2.) Ang taong may respeto ay pagpapalain ng Diyos
   
      
Bugtong-Isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.  

   Halimbawa:

1.) Tulog sa liwanag, gising sa dilim. =ILAW
    

2.) Meron akong tatlong mata at kung ang pulang mata ay bumukas lahat ay mag mimistulang naging yelo.  =Traffic light (red)