Thursday, March 21, 2019


                                       "FLORANTE AT LAURA" 
     
Buod 1: Ang mga hinagpis ni Florante.
- Sa unang Buod may Moro na lumalakad sa kagubatan at ito si Aladin.
Buod 2: Alaala ni Laura.
- May narinig siyang boses at dali-dali niya itong tinulungan kung saan may dalawang leon na gustong umatake sa lalake na si Flortante.
Buod 3: Ang pag ibig kay flerida.
- Pinatay ni Aladin ang dalawang hayop sa kagubatan upang matulungan at maalagahan niya si Florante.
Buod 4: Dalawang ama, tunay na magkaibigan.
- Sa ikaapat na buod, dito ikinuwento ni Florante kay Aladin ang buhay niya at kung sino ang ama at inay niya.
Buod 5: Ang paalam ni Florante.
- Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral doon at dun niya nakilala si Antenor ang kanyang guro.
Buod 6: Tagpuan.
- Natagpuan o nakilala niya doon si Adolfo, ang kanyang lihim na kaaway.
Buod 7: Pagsagip mula sa pangil ng mga leon.
 - Sa ikapito na buod ay dito niya natanggap ang liham kung saan namatay ang mahal niyang ina.
Buod 8: Pagkalinga sa isang kaaway.
 - Pagbalik niya sa Albanya kasama ang kanyang matalik na kaibigan si Menandro, pinatay nila doon si Heneral Osmalik, ang kumubkob sa Krotona.
Buod 9: Pagbabalik-tanaw ni Florante sa kanyang kamusmusan.
- Sa buod na ito ay nagkaroon siya ng matagumpay na labanan, natalo din niya si Miramolin at iba pa.
Buod 10: Si Adolfo.
 - Natapos na ang kanyang pagsasalaysay kay Adolfo matapos kunin ang trono at agwin ang kanyang sinta na si Laura.
Buod 11: Trahedya sa buhay ni Florante.
- Dito ang buod kung saan nagpakilala ang Moro na si Aladin.
Buod 12: Paghingi ng tulong ng Krotona.
 - Inagaw ng kanyang ama na si Sultan Ali-Adab si Flerida na ang kasintahan ni Aladin.
Buod 13: Ang pagtatagpo nina Florante at Laura.
 - Sa buod na ito, dito na nakita nina Florante at Aladin na ang kanilang kasintahan ay nag-uusapan. 
Buod 14: Sa Krotona.
- Dito na buod makikita kung saan pinana ni Flerida si Adolfo dahil sa panggagahasa kay Laura.
Buod 15: Ang pagtataksil ni Adolfo.
 - Isinalaysay o ikinuwento niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdala niya sa kagubatan.
Buod 16: Pagpaparaya ni Aladinz.
 -  At dito nagtapos ang kanilang kuwentuhan at naging matagumpay ang kanilang buhay.
Buod 17: Ang pagtatagumpay laban sa kasamaan.
- Sina Florante at Laura ay naging matagumpay na naghahari sa Albanya at sina Aladin a Flerida ay naghari din sa Persya pagkamatay ni Sultan Ali-Adab.

Monday, September 24, 2018

"Mahal ko, MGA MAGULANG KO"



                "MAHAL KO,MGA MAGULANG KO"



Nagpasalamat ako sa panginoon,
Dahil sa biyayang ibinigay ngayon.
Ating magulang, dapat nating mahalin
Ito ay pinakamahalagang gawin.

Sila'y nagsakripisyo para sa atin
Gumigising sila para tingnan tayo,
Masipag sa trabaho para sa atin,
Habang ang tatay mo'y hindi sumusuko.

Nagbago ang buhay mo nung lumaki ka
Umiyak ang nanay mo nung nagbago ka.
Hindi ka na nagpakita ng respeto
Inubos mo ang pawis ng magulang mo.

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos
Dahil sa ating pamilya na nagbantay.
Kaya mahalin natin sila ng lubos
Upang pamilya'y manatiling makulay.

Friday, July 6, 2018

Mga Katha Sa Filipino





                            MGA KARUNUNGANG BAYAN

Kasabihan- Ang kasabihan ay pahayag na nagbibigay ng payo o nagsasaad ng    katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.

  Halimbawa:

1.) Ang taong masipag ay magkakaroon ng magandang kinabukasan.
    
       
2.) Ang taong may respeto ay pagpapalain ng Diyos
   
      
Bugtong-Isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.  

   Halimbawa:

1.) Tulog sa liwanag, gising sa dilim. =ILAW
    

2.) Meron akong tatlong mata at kung ang pulang mata ay bumukas lahat ay mag mimistulang naging yelo.  =Traffic light (red)